Komunike, pinagtibay sa sesyong plenaryo ng Central Commission for Discipline Inspection

2024-01-11 12:09:29  CMG
Share with:

Ayon sa komunike na pinagtibay, Enero 10, 2024 sa Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Central Commission for Discipline Inspection (CCDI) ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang taong 2024 ay ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina, at masusing taon para ipatupad ang mga target at tungkulin ng Ika-14 na Panlimahang Taong Plano (mula 2021 hanggang 2025).

 

Samantala, sinariwa sa sesyong plenaryo ang gawain ng inspeksyon at superbisyon sa disiplina noong 2023, at itinakda ang mga tungkulin para sa kasalukuyang taon.

 

Sinuri at pinagtibay rin ang work report na ginawa ni Li Xi, Kalihim ng CCDI.

 

Kaugnay ng mga gawain ng inspeksyon at superbisyon ng disiplina sa kasalukuyang taon, ipinanawagan ng komunike na buong sikap na i-optimisa ang sistema ng pagpapatupad ng ganap at mahigpit na pangangasiwa sa CPC, pabutihin ang Party conduct, pag-ibayuhin ang disiplina ng Partido, at labanan ang korupsyon.



Bumigkas ng mahalagang talumpati sa sesyong ito si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa.

 

Ang nasabing sesyong plenaryo ay ginanap sa Beijing mula Enero 8 hanggang 10, 2024.

 

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio