Pangkalahatang kalihim ng UN, muling nanawagan para sa humanitaryong tigil-putukan sa Gaza

2024-01-18 15:35:52  CMG
Share with:


Sa kanyang talumpati sa taunang pulong ng World Economic Forum (WEF) Enero 17, 2024, hinimok ni Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) ang lahat ng may kinalamang panig na agarang ipatupad ang humanitaryong tigil-putukan sa Gaza Strip at pasimulan ang prosesong pangkapayapaan batay sa "two-state solution."

 

Ito aniya ay para makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa pagitan ng Israel at Palestina.

 

Ani Guterres, ang hindi pagkakasundo ay isa sa mga pangunahing panganib na nakakaapekto sa pandaigdigang ekonomiya.

 

Diin niya, kailangan ang malalimang reporma sa pandaigdigang antas na pangangasiwa upang matugunan ang mga heopolitikal na tensyon sa bagong panahon ng multipolaridad.

 

Hinikayat din ni Guterres ang mga bansa na palakasin ang kanilang kooperasyon sa pagharap sa mga hamong dala ng pagbabago ng klima at artipisyal na intelihensiya.

 

Tagasalin: Bai Ruiyan

 

Pulido: Rhio