NATO, magsasagawa ng malakihang pagsasanay militar

2024-01-19 16:16:54  CMG
Share with:

Sinabi, Enero 18, 2024, ni Christopher Cavoli, Supreme Allied Commander Europe ng North Atlantic Treaty Organization (NATO), na isasagawa ng NATO ang pinakamalaking pagsasanay nitong nakalipas na ilang dekada, na may humigit-kumulang 90,000 sundalo ang nakatakdang sumali.

 

Ayon kay Cavoli, ang pagsasanay militar na binansagang "Exercise Steadfast Defender 2024,” ay isasagawa mula sa susunod na linggo hanggang Mayo, na lalahukan ng 31 miyembro ng NATO at Sweden.

 

Ipakikita aniya ng pagsasanay na ito ang pagkakaisa, kalakasan at determinasyon ng NATO para pangalagaan ang bawat miyembro.

 

Salin: Tirso


Pulido: Ramil