Pagbangon ng tubo ng mga bahay-kalakal na industriyal ng Tsina, malakas

2024-01-27 16:53:52  CMG
Share with:

Ayon sa opisyal na datos Sabado, Enero 27, 2024, lumago ang tubo ng mga pangunahing bahay-kalakal na industriyal ng Tsina nitong nakalipas na 5 buwang singkad.

 

Ipinakikita ng datos ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina na noong Disyembre ng 2023, lumaki ng 16.8% ang tubo ng mga bahay-kalakal na industriyal na may di-kukulanging 20 milyong yuan (mga 2.8 milyong dolyares) na taunang kita ng pangunahing negosyo, kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.

 

Samantala, umabot sa 7.69 trilyong yuan ang tubo ng mga pangunahing bahay-kalakal na industriyal noong 2023, at ito ay bumaba ng 2.3% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil