Tsina, ipinagkaloob ang kagamitang pangkomunikasyon sa Syria

2024-01-30 15:30:54  CMG
Share with:

Idinaos Enero 29, 2024, sa Damascus, Syria ang seremonya ng pagkakaloob ng pamahalaang Tsino ng mga kagamitang pangkomunikasyon sa Syria.

 

Sinabi ni Shi Hongwei, Embahador ng Tsina sa Syria, na layon nitong magkaloob ng serbisyong pangkomunikasyon sa mga apektadong mamamayang Syrian sa digmaan.

 

Sapul nang sumiklab ang krisis sa Syria noong 2011, palagiang nagbibigay ang pamahalaang Tsino ng makataong tulong sa Syria sa mga porma at tsanel.

 

Salin:Siyuan Li


Pulido: Ramil