Pagpapasulong sa inobasyong industriyal, ipinanawagan ng premyer Tsino

2024-01-31 16:21:22  CMG
Share with:


Sa kanyang paglalakbay-suri sa lalawigang Shaanxi ng Tsina mula Enero 29 hanggang 30, 2024, nanawagan si Premyer Li Qiang ng Tsina na buong sikap na pasulungin ang inobasyong industriyal, sa pamamagitan ng inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya, at pabilisin ang pagpaparami ng mga makabagong produktibong puwersa.

 

Binigyan ni Li ng lubos na pagpapahalaga ang natamong bunga ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng lalawigang ito.

 

Inaasahan niyang ganap na gagampanan ng Shaanxi ang sariling mga bentahe, igagarantiya ang pagpapatupad ng mga polisya, at gagawin ang mas malaki ambag sa pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

 

Salin: Vera                   

 

Pulido: Ramil