Apat na turistang Tsino, sugatan sa banggaan ng mga bapor sa Pilipinas

2024-02-01 14:05:50  CMG
Share with:

Kinumpirma Miyerkules, Enero 31, 2024 ng Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas na apat na turistang Tsino ang nasugatan sa banggaan ng isang passenger ship MV Ocean Jet 6 at water taxi, na naganap nang araw ring iyon sa lalawigang Batangas ng Pilipinas, at sila ay isinugod sa ospital para gamutin.

 

Pagkatapos ng aksidente, agad na pinasimulan ng pasuguang Tsino ang mekanismong pang-emerhensiya, para makipag-ugnayan sa iba’t ibang panig sa pagliligtas at paggamot ng mga nasugatang kababayan.

 

Ayon sa pasuguang Tsino, sa kasalukuyan, nasa mabuting kalagayan na ang mga nasugatan.

 

Patuloy na susubaybayan ng pasuguan ang mga susunod na hakbangin, at aktibong ipagkakaloob ang kinakailangang tulong, upang maigarantiya ang ligtas na pag-uwi ng mga nailigtas na kababayan sa lalong madaling panahon.

 

Sa ngayon, iniimbestigahan pa ang sanhi ng aksidente.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil