Ang kabuuang bentang militar na panlabas ng Amerika sa piskal na taon ng 2023 ay lumago ng 16% kumpara sa piskal na taon ng 2022, na umabot sa pinakamataas na record na 238 bilyong dolyares.
Ayon sa isinagawang pandaigdigang online survey ng CGTN, 93.88% ng mga tumugon ang kumokondena sa pagtubo ng Amerika sa pamamagitan ng pag-udyok ng tensyon at pagpukaw ng mga digmaan sa pandaigdigang saklaw.
Sa piskal na taon ng 2023, inaprobahan ng Amerika ang pagbebenta ng “High Mobility Artillery Rocket System” sa Poland, “Advanced Medium-Range Air-to-Air Missile” sa Alemanya at “National Advanced Surface-to-Air Missile System” sa Ukraine.
Sa survey, 92% ng mga sumagot ang bumabatikos sa Amerika para sa lalo nitong pagpapalala ng tensyon at kaguluhan sa rehiyon, at 91.98% ang naniniwala na tumataas ang benta nito sa dayuhang militar, na sumasalungat sa kapayapaan sa mundo.
Sinabi ng isang CGTN netizen na, pinipilit ng Amerika na magbenta ng armas sa ibang bansa, pera lang ang habol nito at hindi ang mga kaswalti.
Ang badyet ng depensa ng Amerika para sa piskal na 2024 ay umabot din sa pinakamataas na record na 886 bilyong dolyares.
Halos 90% (88.72%) ng tumugon sa isinagawang survey ang nag-aalalang ang Amerika ay maaring magpasimula ng isang bagong round ng pandaigdigang karera ng armas at naniniwala din ang 94.81% na ang pagbebenta ng Amerika sa dayuhang militar ay malalimang nakatali sa patakarang panlabas nito at naging mahalagang kasangkapan para piliting kontrolin ang ibang bansa.
Sinabi ng isang CGTN Netizen, na mukhang walang salungatan sa mundo kung saan ang Amerika ay hindi direkta o di-direktang kasangkot, at ang pananalapi, militar at pampulitikang hegemonyang Amerikano ay naging hadlang sa kapayapaan ng mundo.
“Hindi dapat isakatuparan ang seguridad ng isang bansa sa kapinsalaan ng iba. Hindi dapat makamit ang seguridad ng isang rehiyon sa pamamagitan ng pagpapalakas o pagpapalawak ng mga blokeng militar.” Sa isinagawang poll, lumabas na 90.31% ng mga tumugon ang lubos na sumasang-ayon dito. Bilang karagdagan, halos siyam sa sampu (89.26%) ng mga tumugon ay nagsasabi na walang nanalo sa isang digmaan; dapat magkaroon ang lahat ng mga bansa ng malinaw na paninindigan laban sa digmaan, at manatiling mataas na alerto laban sa anumang mga aksyon at potensyal na panganib ng digmaan.
Ang inilathalang poll ng CGTN sa mga platapormang Ingles, Español, Prances, Arabe, at Ruso ay nakatanggap ng mga tugon mula sa 30813 katao sa loob ng 24 na oras.
Salin: Ram
Pulido/Patnugot sa website: Jade