Pangulong Xi Jinping ng Tsina, naglakbay-suri sa Tianjin bago ang Pestibal ng Tagsibol

2024-02-04 16:02:19  CMG
Share with:

Naglakbay-suri Pebrero 1 hanggang Pebrero 2, 2024 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, bago ang Pestibal ng Tagsibol sa munisipalidad ng Tianjin at ipinadala ang pagbati ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa mga mamamayan.

 


Noong umaga ng Pebrero 2, naglakbay-suri si Pangulong Xi sa Peking-Tianjin Campaign Memorial Museum at sa hapon, pinakinggan niya ang ulat ng mga gawain ng Komite ng CPC sa Tianjin at pamahalaan ng Tianjin, at kinumpirma ang mga natamong bunga ng Tianjin sa iba’t ibang larangan.

 


Binigyan-diin ni Xi na sa nalalapit na Pestibal ng Tagsibol, dapat bigyan ng Komite ng CPC at pamahalaan ng mas malaking pagpapahalaga sa lahat ng antas ang paggarantiya sa kabuhayan at kaligtasan ng mga mamamayan, tiyakin ang suplay ng mga materyal at enerhiya, at panlipunang pagkakaisa para matiyak ang isang mapayapang pagdiriwang ng tagsibol.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil