Pagkakaloob ng mga maunlad na bansa ng mas maraming pangkagipitang makataong tulong sa mga umuunlad na bansa, ipinanawagan ng Tsina

2024-02-15 15:09:04  CMG
Share with:

Sa hayagang debatehan ng United Nations Security Council (UNSC) sa mataas na antas hinggil sa klima, pagkaing-butil at seguridad, Pebrero 13, 2024, nanawagan si Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na palakasin ang pandaigdigang kampanya ng pagbibigay ng makataong tulong.

 

Aniya, dapat ipagkaloob ng mga maunlad na bansa ang mas maraming pagkaing-butil at pangkagipitang makataong pondo sa mga may pangangailangang umuunlad na bansa.

 

Saad ni Zhang, sa kasalukuyan, nahaharap ang ilang bansa sa Asya, Aprika at Latin-Amerika sa matinding krisis ng pagkaing-butil, at kailangang kailangan ang pagbibigay-tulong ng komunidad ng daigdig.

 

Ang makataong tulong ay hindi dapat kasanggapan para sa pagpapataw ng presyur, at hindi dapat magkaroon din ng anumang pasubaling pulitikal, dagdag niya.

 

Diin ni Zhang, lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pagharap sa pagbabago ng klima at pangangalaga sa seguridad ng pagkaing-butil, at aktibong isinasagawa ang mga mabisang aksyon.

 

Ayon kay Zhang, pinakamarami sa mga umuunlad na bansa ang ibinigay na pondo, ipinadalang dalubhasa, at isinagawang proyekto ng Tsina, sa ilalim ng balangkas ng South-South Cooperation ng Food and Agriculture Organization (FAO).

 

Tinutulungan ng Global Development Initiative at Cooperation Initiative on Global Food Security na iniharap ng Tsina ang mga umuunlad na bansa para pataasin ang output ng pagkaing-butil, at kakayahan sa pag-ani, pag-iimbak at pagbabawas sa pinsala at pag-aaksaya ng pagkaing-butil, aniya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Frank