Pagpapatalsik ng rehiyong Taiwan sa bangkang pangisda ng mainland, kinondena

2024-02-18 16:28:15  CMG
Share with:

Inihayag, Pebrero 17, 2024 ni Zhu Fenglian, Tagapagsalita ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa mga Suliranin ng Taiwan, na dalawang mangingisda ang namatay dahil sa maharas na pagpapatalsik ng Taiwan sa isang bangkang pangisda ng mainland noong Pebrero 14.

 

Ang insidenteng ito aniya ay malubhang nakapinsala sa damdamin ng mga kababayang Tsino sa magkabilang pampang ng Taiwan Strait.

 

Ang Taiwan ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng Tsina, kaya’t ang di-umano’y "pinagbabawal na katubigan" ay di-umiiral, dagdag niya.

 

Hinimok ni Zhu ang awtoridad ng Taiwan na palayain ang detinadong bangka at mga mangingisda sa lalong madaling panahon, ayusin ang mga suliraning pagkatapos ng insidente, hanapin ang katotohanan at patawan ng parusa ang mga may-pananagutan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio