MSC, ipininid: unipikadong ideya sa pandaigdigang seguridad, mahirap makamtan

2024-02-19 16:45:33  CMG
Share with:

Ipininid, Pebrero 18, 2024 ang 3-araw na Ika-60 Munich Security Conference (MSC).

 

Tinalakay rito ang mga usapin sa pandaigdigang seguridad na tulad ng krisis ng Ukraine, sagupaan sa pagitan ng Palestina at Israel at iba pa.

 

Dahil sa malaking pagkakaiba sa pananaw ng mga kalahok sa maraming isyu, hindi madaling marating ang isang nagkakaisang ideya hinggil sa pandaigdigang seguridad.

 


Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagpipinid, sinabi ni Christoph Heusgen, Tagapangulo ng MSC, na dahil sa kasalukuyang situwasyong pandaigdig, walang sinuman ang maaaring nagsasariling magresolba sa mga problemang panseguridad.

 

Dapat aniyang itakwil ng komunidad ng daigdig ang mga lumang kaisipan, at kapit-bisig na magtulungan, batay sa bukas na pakikitungo.

 

Matatandaang itinayo ang MSC noong 1963, at nagsilbi itong isa sa mga mahalagang taunang porum sa larangan ng pandaigdigang estratehiya at seguridad.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio