Nagtagpo kahapon, Pebrero 19, 2024 sa Madrid sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at Pedro Sanchez, Punong Ministro ng Espanya.
Ipinahayag ni Wang na kasama ng Espanya, nakahanda ang Tsina na panatilihin ang pagpapalagayan sa mataas na antas, pahigpitin ang pag-uugnayan ng estratehiya sa pag-unlad, palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at pagpapalitan ng kultura, at pasulungin ang relasyon ng dalawang bansa sa bagong antas.
Saad ni Wang na itinuturing ng Tsina na mahalagang puwersa ang Unyong Europeo (EU) sa multipolarization ng daigdig at sinusuportahan ang integrasyon ng Europa at pag-unlad at nagsasariling estratehiya ng EU.
Kasama ng EU, nakahanda ang Tsina na magkasamang pangalagaan ang sistema ng malayang kalakalan, isakatuparan ang multilateralismo at pasulungin ang maayos at pantay na multipolarization ng daigdig at globalisasyon ng kabuhayang may pagbibigayan at preperensiya sa lahat, dagdag pa ni Wang.
Ipinahayag naman ni Sanchez na lubos na pinahalagahan ng kanyang bansa ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa, mataas na tinasahan ang mga aktibong hakbangin ng Tsina para mapadali ang pagpapalitan ng kabuhayan, kalakalan, kultura at tao-sa-tao ng dalawang panig, at pinasalamatan ang pagsuporta ng Tsina sa kabuuan ng teritoryo ng Espanya.
Saad niya na matatag na iginigiit ng Espanya ang patakarang isang-Tsina at lubos na hinangaan ang konstruktibong papel ng Tsina sa mga suliraning pandaigdig at mga ambag para sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Kinakatigan rin ng Espanya ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at EU at pagpapahigpit ng kooperasyon ng dalawang panig, dagdag pa niya.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil