Sa kanyang pagharap sa media ng Tsina matapos dumalo sa Ika-60 Munich Security Conference (MSC) sa Alemanya at dumalaw sa Espanya at Pransya, sinabi ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na nakita sa Ika-60 MSC ang pesimistang pananaw ng Europa sa pandaigdigang kalagayan, at ipinakikita nito ang malubhang hamong kinakaharap ng daigdig.
Sa kabila nito, sinabi niyang patuloy na igigiit ng Tsina ang pagiging matatag na puwersa sa pagsusulong ng daigdig.
Sinabi pa ni Wang, na ipinakita niya sa mga kalahok na panig ng MSC na ang pag-unlad ng Tsina ay nakakabuti sa kapayapaan at katatagan ng daigdig.
Ang modernisasyong Tsino na sumasaklaw sa mahigit 1.4 brilyong populasyon ay nagkakaloob ng malaking pagkakataon sa pag-unlad ng daigdig, dagdag niya.
Kaugnay naman ng kanyang pakikipagtagpo kay Antony Blinken sa sideline ng MSC, sinabi ni Wang na matapat, substansyal at konstruktibo ang naging pag-uusap.
Inulit ni Wang na palagiang iginigiit ng Tsina na dapat malutas ang krisis ng Ukraine at sagupaan ng Palestina at Israel sa paraang pulitikal, at kailangang ang pagsisikap para sa tigil-putukan at talastasang pangkapayapaan para mapigilan ang mas malalang resulta.
Sa kanya namang pakikipagtagpo sa mga pulitiko ng Espanya at Pransya, idiniin ni Wang na dapat tutulan ng Tsina at Europa ang pagpipira-piraso ng kabuhayang pandaigdig at trade protectionism, patuloy na igiit ang bukas na pakataran, pantay na kompetisyon at malayang kalakalan.
Ipinanawagan din niya sa Tsina at Europa pabutihin ang kooperasyon para mapigilan ang bagong cold war at komprontasyon.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio