Espesyal na kinatawan ng Tsina, isasagawa ang ikalawang round ng shuttle diplomacy sa krisis ng Ukraine

2024-02-28 16:30:50  CMG
Share with:

Ipinatalastas ngayong araw, Pebrero 28, 2024 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mula Marso 2, 2024, dadalaw si Li Hui, Espesyal na kinatawan ng pamahalaang Tsino sa suliranin ng Euroasian, sa Rusya, punong himpilan ng Unyong Europeo, Poland, Ukraine, Alemanya at Pransya, upang isagawa ang ikalawang round ng shuttle diplomacy sa pagpapasulong ng pulitikal na paglutas sa krisis ng Ukraine.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil