Iskedyuel ng kompetisyon ng 2025 Asian Winter Games, kinumpirma

2024-03-01 16:37:23  CMG
Share with:

Ayon sa iskedyuel ng kompetisyon ng Olympic Council of Asia (OCA), idaraos ang 2025 Asian Winter Games sa Harbin, kapital ng lalawigang Heilongjiang sa dakong hilagang silangan ng Tsina, mula Pebrero 7 hanggang 14. 

 


Itatampok sa mga naturang palaro ang 6 na palakasan, 11 disiplina at 64 na kaganapan, at sisimulan ang mga kumpetisyon sa panlalaki at pambabaeng ice hockey at curling sa Pebrero 5, 2025, dalawang araw bago simulan ang seremoniya ng pagbubukas.


Kinabibilangan ang anim na palaro ng biathlon, curling, ice hockey, skating, skiing at ski mountaineering.

 

Ayon sa komite ng pag-oorganisa, puspusan na ang mga paghahanda para sa kaganapan, at isinasagawa na rin ang pagpapanatili at pagsasaayos ng mga lugar at mga pasilidad.


Salin:Sarah

Pulido:Ramil