Tsina, tutol sa paglimita ng Amerika sa paglilipat ng datos sa ibang bansa--MOFA

2024-03-01 14:16:05  CMG
Share with:

Ayon sa ulat, nilagdaan kamakailan ni Pangulong Joe Biden ng Amerika ang isang ehekutibong kautusan para mapigilan ang pag-access ng mga foreign entities sa personal data ng mga sibilyang Amerikano, dahil sa pagkabahala ng Amerika sa paggamit ng mga bansa, lalo na ng Rusya at Tsina, ng naturang mga datos para sa layuning komersyal at militar.


Kaugnay nito, ipinahayag kahapon, Pebrero 29, 2024 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na labis na pinapalawak ng Amerika ang konsepto ng pambansang seguridad, at ipinagbabawal ang paglilipat ng datos sa mga di-umanoy “pinansing bansa” na kinabibilangan ng Tsina.


Ito aniya ay diskriminadong aksyon ng Amerika na nakatugon sa mga espesyal na bansa at matatag na tinutulan ito ng panig Tsino.


Idiniin ni Mao na palagiang pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang pangangalaga sa privacy at seguridad ng datos at hinding hindi hiniling sa mga bahay-kalakal at indibiduwal na itipon at ipagkaloob ang mga datos at impormasyon sa anumang ilegal na paraan.


Hiniling ni Mao sa panig Amerikano na itigil ang pagdudungis sa imahe ng Tsina, aktuwal na pangalagaan ang kapaligiran ng negosyo na bukas, makatarungan at di-diskriminado, at balangkasin, kasama ng iba’t ibang panig, ang tadhana ng seguridad ng datos, para pasulungin ang maayos at malayang paglilipat ng datos sa buong daigdig.


Salin: Ernest

Puliro: Ramil/Jade