Mensaheng pambati, ipinadala ni Xi Jinping sa pagkahalal ni Shehbaz Sharif bilang punong ministro ng Pakistan

2024-03-04 15:34:07  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala, Marso 3, 2024 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Shehbaz Sharif, bilang pagbati sa kanyang pagkahalal bilang punong ministro ng Pakistan.

 

Ani Xi, nananalig siyang sa ilalim ng pamumuno ni Shehbaz Sharif at bagong pamahalaan ng Pakistan, at magkasamang pagsisikap ng iba’t-ibang sirkulo ng bansa, tiyak na matatamo ang mas malaking bagong tagumpay sa usapin ng pambansang pag-unlad at progreso.

 

Dagdag niya, dapat ipagpatuloy ng Tsina at Pakitan ang tradisyonal na pagkakaibigan, palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba’t-ibang larangan, magkasamang likhain ang pinabuting bersyon ng China-Pakistan Economic Corridor, tuluy-tuloy na palalimin ang panlahatang panahon na estratehiko’t kooperatibong partnership ng dalawang bansa, at buuin ang mas mahigpit na komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Pakistan sa makabagong panahon.

 

Ito ay upang ihatid ang mas maraming benepisyo sa mga Tsino’t Pakistani, saad ni Xi.

 

Sa parehong araw, isa ring liham na pambati ang ipinadala ni Premyer Li Qiang ng Tsina kay Shehbaz Sharif.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio