Sa pulong ng United Nations Security Council (UNSC) hinggil sa isyu ng Sudan, nanawagan si Dai Bing, charge d’affairs ng delegasyong Tsino sa UN, sa komunidad ng daigdig na mahigpit na pasulungin ang pampulitikang pagsasa-ayos at paglutas sa isyu ng Sudan.
Sinabi ni Dai na ang patuloy na sagupaan sa Sudan ay nagdudulot ng maraming kasuwalti ng sibilyan at malubhang krisis na humanitaryan, kaya dapat magtulungan ang komunidad ng daigdig para itaguyod ang agarang tigil-putukan at sagupaan.
Aniya pa, nananawagan ang panig Tsino sa iba’t ibang may kinalamang panig na magkasamang pasulungin ang pagpapahupa ng tensyon at likhain ang kondisyon para sa pagpapanumbalik ng talastasang pangkapayapaan.
Nananawagan din siya sa komunidad ng daigdig na patuloy na pasulungin ang tulong sa Sudan.
Sinabi pa ni Dai na dapat patuloy na katigan ng komunidad ng daigdig ang pagganap ng masusing papel ng Unyong Aprikano, at ibang mga organisasyong panrehiyon at igalang ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Sudan.
Ani Dai, umaasa ang panig Tsino na isasagawa ng UN ang matapat na pakikipag-ugnayan sa Sudan at ipagkakaloob ang tunay na suporta para sa pag-unlad at kapayapaan ng Sudan.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil/Jade