Wang Huning, nakipagtagpo sa mga kinawatan ng media

2024-03-11 16:10:08  CMG
Share with:

 

Nakipagtagpo, Marso 10, 2024 si Wang Huning, Miyembro ng Standing Committee ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Tagapangulo ng Pambansang Komite ng Chinese People's Political Consultative Conference (CPPCC) sa mga kinawatan ng mga media upang ilahad ang mga aktibidad sa katatapos na Ika-2 Sesyon ng ika-14 na CPPCC.

 

Pinasalamatan ni Wang ang masikap na pagkokober ng mga media.

 

Hinangaan din niya ang ambag ng mga media at mamamahayag para sa matagumpay na pagdaraos ng sesyon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio