Ministrong Panlabas ng Tsina, dadalaw sa Australia at New Zealand

2024-03-14 16:36:26  CMG
Share with:

Sinabi ngayong araw, Marso 14, 2024, ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mula Marso 14 hanggang 17, bibisita si Ministrong Panlabas Wang Yi sa Australia at New Zealand.

 

Habang nasa Australia, idaraos nina Wang at kanyang Australian counterpart na si Penny Wong ang ika-7 diyalogo ng dalawang bansa sa diplomasya at estratehiya, dagdag ng tagapagsalita.

 

Sinabi rin niyang, ang taong ito ay ika-10 anibersaryo ng komprehensibo at estratehikong partnership sa pagitan ng Tsina at New Zealand, at Tsina at Australia, kaya ang biyahe ni Wang Yi ay muling pagdalaw ng ministrong panlabas ng Tsina sa naturang dalawang bansa matapos ang 7 taon.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan