Sa kanilang pag-usap Marso 18, 2024 sa Wellington, New Zealand, kapwa ipinahayag nina Wang Yi, Miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Winston Peters, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng New Zealand, na dapat ibayo pang pahigpitin ng dalawang bansa ang pagpapalagayan sa mataas na antas, at kooperasyon sa mga larangang gaya ng kalakalan, kabuhayan, kultura at pagpapalitang tao-sa-tao.
Sinabi ni Wang na may malawak na komong palagay at kapakanan ang Tsina at New Zealand at dapat patuloy na igalang ng isa’t isa ang sistemang panlipunan at landas ng pag-unlad at isaalang-alang ang kani-kanilang nukleong kapakanan at mahalagang pagkabahala.
Ipinahayag ni Wang na kasama ng New Zealand, nakahanda ang Tsina na pahigpitin ang pagkokoordinahan at pag-uugnayan sa ilalaim ng multilateral na balangkas, at pangalagaan ang sistemang pandaigdig na ang nukleo ay United Nations.
Inilahad din ni Wang ang paninindigang Tsino sa mga isyu ng Taiwan, Hong Kong, Tibet, South China Sea at karapatang pantao.
Ipinahayag naman ni Peters na ang Tsina ay mahalagang partner ng kanyang bansa at sapul nang itatag ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa, umuunlad nang malaki ang relasyon ng dalawang bansa.
Saad pa niyang matatag na iginigiit ng kanyang bansa ang patakarang isang Tsina at winewelkam ang pag-aaral ng mga estudyanteng Tsino at pagnenegosyo ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa kanyang bansa.
Tinalakay din nila ang mga isyung kinabibilangan ng krisis ng Ukraine, sagupaan sa pagitan ng Palestina at Israel, Korean Peninsula at kalagayan ng Timog Pasipiko.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil