Bise Presidenteng Tsino, nakipagtagpo sa Lord Mayor ng London

2024-03-20 15:34:32  CMG
Share with:

 

Sa pakikipagtagpo ngayong araw, Marso 20, 2024 sa Beijing ni Bise Presidente Han Zheng ng Tsina kay Michael Mainelli, Lord Mayor ng London, sinabi niyang kasalukuyang komprehensibong pinasusulong ng Tsina ang modernisasyong Tsino sa pamamagitan ng de-kalidad na pag-unlad, at matatag na pinalalaki ang merkado ng pinansya sa labas para ipagkaloob ang mas maraming pagkakataon ng pamumuhunan at pag-unlad sa mga organisasyong pinansyal at mamumuhunan ng iba’t-ibang bansa.

 

Kasama ng mga organisasyong pinansyal ng Britanya, nakahanda aniya ang panig Tsino na palawakin ang kooperasyon at pasulungin ang pagpapalitang tao-sa-tao.

 

Ipinahayag naman ni Mainelli na malawak ang prospek ng kooperasyon ng Britanya at Tsina sa larangang pinansyal, at patuloy at aktibong lalahok ang London sa proseso ng de-kalidad na pagbubukas ng Tsina para pasulungin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa berdeng pinansya, kabuhayan at kalakalan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio