Ministrong Panlabas ng Tsina, nakipagtagpo sa mga panauhing Amerikano

2024-03-27 11:00:05  CMG
Share with:

Magkahiwalay na nakipagtagpo Martes, Marso 26, 2024 sa Beijing si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, kina Evan Greenberg, Tagapangulo ng National Committee on U.S.-China Relations (NCUSCR), Stephen Orlins Presidente ng NCUSCR, at Graham Allison, propesor ng Harvard University.

Sa kanyang pakikipagtagpo kina Greenberg at Orlins, idiniin ni Wang na itinuturing ng Amerika ang Tsina bilang pinakapangunahing estratehikong katunggali nito at pinakamakabuluhang hamong heopulitikal.

 

Ang mga hindi pagkakaunawaan ng dalawang bansa aniya ay nagdudulot ng mga hamon at alitan sa pagitan ng relasyong Sino-Amerikano.

 

Saad pa ni Wang na dapat magtulungan ang dalawang bansa para pasulungin ang pagiging matatag, maganda at pag-unlad ng kanilang bilateral na relasyon.

 

Ipinahayag naman nina Greenberg at Orlins na ang pagpapanatili ng pag-uugnayan at pagkontak ng dalawang bansa ay makakabuti sa buong daigdig.

 

Nakahanda anila ang NCUSCR na patuloy na patingkarin ang positibong papel nito para sa pagpapasulong ng pagpapalitan at pagkontak ng dalawang bansa.

Sa kanyang pakikipagtagpo kay Allison, umaasa si Wang na pahihigpitin ng sektor na akademiko ang pananaliksik sa mga ideya ng tamang landas ng pakikipamuhayan ng Tsina at Amerika at komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan para iharap ang konstruktibong ideya nito na nasa ibabaw ang tradisyonal na teorya ng relasyong pandaigdig.

 

Ipinahayag naman ni Allison na dapat isagawa ng Amerika at Tsina ang kooperasyon at hanapin ang tamang landas ng pakikipamuhayan.

 

Umaasa aniya siyang malalimang malalaman ang kasaysayan at kultura ng Tsina para mas mainam na maunawaan ang patakarang diplomatiko ng Tsina.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil