Sa ilalim ng temang “Asya at Daigdig: Komong Hamon, Pinagbabahaginang Responsibilidad,” halos 2,000 kinatawan mula sa sektor ng pulitika, komersyo at dalubhasa ng mahigit 60 bansa’t rehiyon ng daigdig ang lumahok sa 2024 Boao Forum for Asia (BFA).
Tinalakay ng mga kalahok ang mga hamon at pagkakataong kinakaharap ng Asya at daigdig, at nanawagan silang pabutihin ang kooperasyon para pasulungin ang komong pag-unlad.
Malawakan din nilang kinilala ang positibong papel ng Tsina.
Anila, ang kabuhayang Tsino ay may malakas na puwersa at nakatagong lakas.
Ang bagong kalidad ng produktibong puwersa ay nangangahulugang naghahanda ang Tsina para sa bagong modelo ng pag-unlad ng kabuhayan at pagharap sa kasalukuyang hamong pandaigdig, hayag nila.
Samantala, habang nasa porum, naramdaman mismo ng mga kalahok ang berdeng pag-unlad ng Tsina.
Isinakatuparan sa 2024 BFA, ang berdeng pagsuplay ng koryente sa lahat ng mga istadyum.
Nauna rito, isinapubliko ng Tsina ang isang serye ng mga hakbangin ng de-kalidad na pagbubukas.
Sa katatapos na porum ng pag-unlad ng Tsina, ipinahayag ng mga namamahalang tauhan ng mga transnasyonal na bahay-kalakal ang kompiyansa sa prospek ng pamilihang Tsino.
Nakikita ng komunidad ng daigdig ang kinabukasan ng Tsina sa inobasyon, berdeng pag-unlad, pagbubukas, at pagbibigyan.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio