Pangulo ng Tsina at Indonesia, nag-usap

2024-04-02 10:26:59  CMG
Share with:

 

Nag-usap kahapon ng hapon, Abril 1, 2024 sa Beijing sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Prabowo Subianto, bagong halal na pangulo ng Indonesia.

 

Ipinahayag ni Xi na kasama ng Indonesia, nakahanda ang panig Tsino na panatilihin ang mahigpit na pagpapalagayan, isagawa ang pagpapalitan ng karanasan sa pangangasiwa ng suliraning panloob, palalimin ang kooperasyon sa kabuhayan, isyung pandagat at pagpawi ng kahirapan.

 

Nakahanda rin aniya ang Tsina na pangalagaan, kasama ng Indonesia, ang pagkakaisa at nukleong katayuan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at estrukturang panrehiyon na bukas at inklusibo.

 

Ipinahayag naman ni Prabowo na kinakatigan niya ang pagpapasulong ng mas mahigpit na relasyon ng dalawang bansa, nakahandang ipagpatuloy ang kasalukuyang mapagkaibigang patakaran ng Indonesia sa Tsina at igiit ang prinsipyong isang-Tsina.

 

Saad pa niyang nakahanda ang bagong pamahalaan ng Indonesia na pasulungin ang pag-uugnayan ng estratehiya ng dalawang bansa, at kanilang kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan at pagpawi sa kahirapan.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil