Pag-atake sa pasuguan ng Iran sa Syria, kinondena ng Tsina

2024-04-03 11:24:41  CMG
Share with:

Inihayag Martes, Abril 2, 2024 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina ang kondemnasyon sa pag-atake sa pasuguan ng Iran sa Syria.

 

Aniya, hindi katanggap-tanggap ang paglapastangan sa seguridad ng mga institusyong diplomatiko, at dapat igalang ang soberanya, pagsasarili at kabuuan ng teritoryo ng Syria.

 

Mariin aniyang tinututulan ng Tsina ang anumang aksyong magpapalala ng tensyon sa Gitnang Silangan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio