Hiniling kahapon, Abril 5, 2024 ni Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), sa Israel na baguhin ang estratehiyang militar nito sa pag-atake sa Gaza Strip para maigarantiya ang maayos na pagsasagawa ng makataong panaklolo sa lokalidad at mabawasan ang kasuwalti ng mga sibilyan.
Sinabi ni Guterres na ang kasalukuyang estratehiya at prosesong militar ng Israel ay paulit-ulit na nagdudulot ng kasuwalti sa mga humanitarian worker na gaya ng pagkamatay ng 7 trabahador ng World Central Kitchen kamakailan.
Sinabi pa niya na dapat isagawa ang nagsasariling imbestigasyon para lutasin ang isyung ito at isagawa din ang makabuluhan at kapansin-pansing pagbabago sa lokalidad.
Ayon pa sa kanya, 196 na mga humanitarian worker na kinabibilangan ng 175 staff ng UN ang namatay sa sagupaan ng Gaza Strip.
Pagkatapos ng insidente ng pagkamatay ng mga trabahador ng World Central Kitchen, ipinahayag ng pamahalaan ng Israel na hahayaan ang malaking pagdaragdag ng makataong panaklolo sa Gaza Strip.
Ani Guterres, umaasa siyang agarang maisasakatuparan ng Israel ang nabanggit na pangako.
Bukod dito, nanawagan din siyang isasakatuparan ang tigil-putukan sa Gaza Strip at walang subali na palayain ang mga idinetineng tauhan.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil