Hinimok Abril 5, 2024 ni Dai Bing, charge d'affaires ng delegasyong Tsino sa United Nations (UN), ang Israel na agarang isakatuparan ang resolusyon bilang 2728 na pinagtibay noong Marso 25, 2024 ng UN Security Council (UNSC) at itigil ang pag-atake sa Gaza Strip.
Idiniin ni Dai na mayroong binding force ang lahat ng mga resolusyon ng UNSC, obligasyon na itinakda ng Karta ng UN at pangako ng bawat kasaping bansa para sa pagsapi sa UN.
Saad ni Dai na kinakatigan ng panig Tsino ang paggamit ng UNSC ng ibayo pang aksyon para isakatuparan ang resolusyon bilang 2728, at dapat agarang alisin ng Israel ang harang sa Gaza Strip at mga hadlang sa pagpasok ng makataong materiyales.
Saad pa niya na dapat itigil ng Israel ang pag-atake sa mga makataong organisasyon at trabahador, at matinding kinondena ng panig Tsino ang pag-atake ng Israel sa komboy na naghahatid ng mga makataong materiyal.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil