Pagpapabuting konstruksyon ng border crossings ng Guangxi, hiniling ni Wang Yi

2024-04-07 15:57:25  CMG
Share with:

Sa paglalakbay-suri, Abril 5, 2024, sa Guangxi Zhuang Autonomous Region ng Tsina, hiniling ni Wang Yi, Miyembro ng Pulitburo at Direktor ng Tanggapan ng Foreign Affairs Commission ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na pahigpitin ang konstruksyon ng border crossings ng lokalidad.

 

Ani Wang, ang pagpapabilis ng konstruksyon ng border crossings ng Guangxi ay magpapasigla sa de-kalidad na pagbubukas, magpapalalim ng kooperasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at makakatulong sa konstruksyon ng maayos na operasyon ng domestiko at pandaigdigang pamilihan.

 

Saad pa ni Wang, dapat pahigpitin ng Guangxi ang pagpapalitan at kooperasyon sa Biyetnam, patatagin ang pundasyon ng opinyong pampubliko at lipunan hinggil sa pagkakaibigan ng Tsina at Biyetnam, at patuloy na pabutihin ang imprastruktura ng cross-border.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio