Mataas na opisyal ng CPC, dumalaw sa Thailand

2024-04-01 16:50:22  CMG
Share with:


Sa pamumuno ni Liu Jianchao, Puno ng International Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), dumalaw sa Thailand, mula Marso 29 hanggang 31, 2024, ang delegasyon ng CPC.

 

Magkakahiwalay na kinatagpo si Liu nina Parnpree Bahiddha-Nukara, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Thailand; Anutin Charnvirakul, Lider ng Bhumjaithai Party, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Interyor; at Paetongtarn Shinawatra, Tagapangulo ng Pheu Thai Party.

 

Nakipagtagpo rin sa kanya ang mga lider ng iba’t-ibang partido ng naghaharing koalisyon.

 

Inihayag ng kapuwa panig na magkasamang ipapatupad ang mahahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, at gagawing pagkakataon ang ika-50 anibersaryo ng kanilang ugnayang diplomatiko, para palakasin ang pagpapalitan at mutuwal na pagkatuto ng karanasan sa pangangasiwa sa bansa, pasusulungin ang pragmatikong kooperasyon sa iba’t-ibang larangan, pahihigpitin ang pagkakaibigan ng mga mamamayan, pa-uunlarin ang relasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at kapit-bisig na bubuuin ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Thailand.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio