Pebrero 20, 2024, Changi Exhibition Center – Sa kauna-unahang pagkakataon, itinanghal sa Singapore Airshow ang eroplanong C919 at jetliner ARJ21 na sariling-gawa ng Tsina.
Sa araw ring iyon, 56 na C919 at ARJ21 ang nai-order.
Ang naturang eksibisyon ay ginaganap mula Pebrero 20 hanggang 25, at kasali rito ang mahigit sanlibong kompanya at ahensyang mula sa 50 bansa at rehiyon.
Salin: Kulas
Pulido: Rhio