Magkahiwalay na ipinadala, Abril 9, 2024 nina Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, at Luiz Inacio Lula da Silva, Tagapangulong Pandangal ng Workers' Party ng Brazil (PT) at Pangulo ng Brazil, ang liham na pambati sa ika-7 theory seminar ng dalawang partido.
Tinukoy ni Xi na napapanahon at makabuluhan ang pagdaraos ng nasabing seminar para sa pagpapalakas ng ruling party building, at paghanap ng landas ng modernisasyon na angkop sa aktuwal na kalagayan ng sarili nilang bansa.
Saad ni Xi, ang kasalukuyang taon ay ika-50 anibersaryo ng ugnayang diplomatiko ng Tsina at Brazil, at ika-40 anibersaryo rin ng pagkakatatag ng relasyon ng CPC at PT.
Kasama ng PT, nakahanda aniya ang CPC na palalimin ang pagpapalitan at mutuwal na pagkatuto sa mga karanasan sa pangangasiwa sa bansa, pasulungin ang kani-kanilang party building at progreso’t pag-unlad ng bansa, at gawin ang mas malaking ambag sa walang humpay na pag-unlad ng relasyong Sino-Brazilian sa makabagong panahon, at pagpapasulong sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Sa kanya namang liham, sinabi ni Lula na ang kasalukuyang pagbisita ng delegasyon ng PT sa Tsina at pagdalo sa nasabing seminar ay naglalayong makipagpalitan ng karanasan sa CPC sa aspekto ng pangangasiwa sa bansa, at magsagawa ng malalimang pagtalakay at pagtutulungan sa mga paksang kapuwa nilang kinagigiliwan.
Nananalig aniya siyang tiyak na hahanapin ng dalawang partido ang mas maraming komong palagay at pagkakataon ng kooperasyon.
Magiging mas mahigpit at mabunga ang pagpapalitan sa pagitan ng mga partido, pamahalaan at mga mamamayan ng dalawang bansa, dagdag niya.
Salin: Vera
Pulido: Ramil