Ayon sa ulat ng media ng Pilipinas, inihayag ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas (AFP) at Department of Information and Communications Technology (DICT) na iniimbestigahan nila ang pangyayari ng kompanyang Tsino na nagkukunwaring kompanyang kanluranin na pinaghihinalaang nangangalap ng mga sundalong Pilipino para sa online na pag-aanalisa.
Muling pinapalaki ng ilang Pilipino media ang umano’y pagtatayo ng Tsina ng “sleeper cells” sa Pilipinas.
Kaugnay nito, inihayag, Abril 10, 2024 ng tagapagsalita ng Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas na buong tatag na tinututulan ng panig Tsino ang tikis na spekulasyon at walang batayang pagbatikos sa Tsina ng iilang opisyal at media ng Pilipinas, at pag-udyok ng kapootan laban sa Tsina sa loob ng bansa.
Anang tagapagsalita, sa mula’t mula pa’y ang pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas ay prinsipal ng bilateral na relasyon at mithiin ng mga mamamayan. Pero nitong nakalipas na isang panahon, walang humpay na ikinakalat ng “invisible hand” ang pekeng impormasyong may kinalaman sa Tsina sa Pilipinas, pinapalaki ang alitang pandagat sa pagitan ng dalawang bansa, nililikha ang maigting na kalagayan, at pinapalaganap ang pagkabahala sa digmaan.
Aniya, layon nitong makalason sa atmospera ng relasyong Sino-Pilipino, at hadlangan ang normal na pag-unlad ng bilateral na relasyon.
Nananalig aniya siyang mapagtatanto ng mga mamamayang Pilipino ang ganitong kilos na may lihim na tangka, at hindi malinlang ng huwad na pagkukuwento.
Dagdag ng tagapagsalita, sa mahigit 1,000 taong kasaysayan ng mapagkaibigang pakikipamuhayan ng Tsina at Pilipinas, hindi kailanman sinalakay ng Tsina ang Pilipinas.
Sa halip, ang Pilipinas ay sinalakay at sinakop minsan ng ibang bansa. Tinukoy ng tagapagsalitang Tsino na palagiang iginigiit ng Tsina ang simulain ng di-pakikialam sa suliraning panloob ng ibang bansa, at walang batayan ang umano’y pagtatayo ng Tsina ng “sleeper cells” sa Pilipinas.
Pero matagal nang nakikialam ang iilang bansa sa suliraning panloob ng ibang bansa, lumilikha ng pagkakawatak-watak, at naglulunsad ng “color revolutions,” aniya.
Hinimok niya ang kaukulang panig ng Pilipinas na sundin ang agos ng panahon at mithiin ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at itigil ang pagkalat ng huwad na pagkukuwento at pang-uudyok ng kapootan laban sa Tsina.
Umaasa aniya siyang batay sa pangkalahatang kalagayan ng ugnayang Sino-Pilipino at kapayapaa’t katatagan ng rehiyon, babalik sa lalong madaling panahon ang Pilipinas sa tumpak na landas ng diyalogo at negosasyon, di-magmamatigas sa Tsina, kokontrolin ang mga alitan sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, at pasusulungin ang matatag na pag-unlad ng bilateral na relasyon.
Salin: Vera
Pulido: Ramil
CMG Komentaryo: Kasalukuyang patarakan ng Pilipinas sa SCS, magdudulot ng panganib sa bansa
Pilipinas, tumatahak sa “mapanganib na landas” — Imee Marcos
Magkasanib na pagpapatrolyang pandagat at panghimpapawid, inorganisa ng PLA sa SCS
CCG: Mga bapor ng Pilipinas, isinagawa ang mga iligal na aktibidad sa karagatan ng Houteng Jiao