Tsina, sinusuportahan ang mga pagsisikap ng IAEA para tiyakin ang kaligtasan ng ZNPP

2024-04-12 16:45:52  CMG
Share with:

Idinaos Abril 11, 2024, sa Vienna, Austria ng International Atomic Energy Agency (IAEA) ang isang espesyal na pulong ng 35-nation Board of Governors para talakayin ang mga isyung may kinalaman sa pag-atake ng drone sa Zaporizhzhia nuclear power plant (ZNPP).

 

Sa pulong, ipinahayag ni Li Song, permanenteng kinatawan ng Tsina sa IAEA na sinusuportahan ng kanyang bansa ang IAEA sa pagganap nito ng konstruktibong papel para garantiyahan ang seguridad at kaligtasan ng mga pasilidad na nuklear.

 

Binigyan-diin niya na ang mga may kinalamang panig ay dapat manatiling kalmado at mapagtimpi at iwasan ang anumang aksyong magsasapanganib sa mga pasilidad na nuklear.

 

Nananawagan din ang kinatawang Tsino sa internasyonal na komunidad na sumunod sa tamang direksyon ng pagtataguyod ng usaping pangkapayapaan at alisin ang mga panganib sa kaligtasang nukleyar ng ZNPP.

 

Sinabi ni Li na mahigit dalawang taon na ang krisis sa Ukraine at  mataas ang panganib sa kaligtasan ng nukleyar ng ZNPP at ang mga pag-atake ng drone kamakailan ay nakakuha ng malaking atensyon sa internasyonal na komunidad.  

 

Binigyang diin niya na ang kalutasan nito ay nakasalalay sa kinabukasan ng pampulitkang pagsasaayos ng krisis ng Ukraine. Dapat igiit ng internasyonal na komunidad ang tamang direksyon ng pagpapasulong ng kapayapaan at diyalogo, enkorahehin at suportahan ang lahat ng pagsisikap na makakabuti sa mapayapang paglutas ng krisis, tulungan ang iba’t ibang panig na may alitan na buksan ang pinto tungo sa isang pampulitikang solusyon sa krisis, at pundamental na alisin ang mga panganib sa seguridad na nuklear.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil