Nanawagan si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas na magsagawa ng makatwira’t mapagkaibigang diyalogo sa Tsina hinggil sa kasalukuyang mga bilateral na isyu. Nagpahayag din siya ng kalungkutan sa mga hidwaan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina sa South China Sea (SCS) at mga patakarang pinaiiral ng kasalukuyang administrasyon ng Pilipinas tungo sa Tsina.
Kaugnay nito, nagbabala si Duterte na sinusubukan ng Amerika na mag-udyok ng digmaan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas.
Binigyan diin niya na hindi ilalagay sa panganib ang buhay ng mga Amerikano para sa Pilipino.
Umaasa aniya siya na aalis ang Pilipinas sa mapaminsalang landas nito at lulutasin ang mga isyu sa pamamagitan ng diyalogo at negosasyon.
Umaasa rin siyang lalo pang palalalimin ng Tsina at Pilipinas ang pagpapalitang tao-sa-tao.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil/Jade
Amerika, dapat itigil ang pakikialam sa suliranin ng SCS – tagapagsalitang Tsino
CMG Komentaryo: Kasalukuyang patarakan ng Pilipinas sa SCS, magdudulot ng panganib sa bansa
CCG: Mga bapor ng Pilipinas, isinagawa ang mga iligal na aktibidad sa karagatan ng Houteng Jiao
Tsina, hinihimok ang Pilipinas na itigil ang probokasyon sa South China Sea