Sangsyon laban sa dalawang kompanyang Amerikano, ipinataw ng Tsina

2024-04-12 14:07:03  CMG
Share with:

Inanunsyo Huwebes, Abril 11, 2024 ng Ministring Panlabas ng Tsina na nagpasiya ang Tsina na magpataw ng sangsyon laban sa dalawang kompanyang Amerikano dahil sa pagbebenta ng sandata sa Taiwan ng Tsina.


Ang naturang dalawang kompanya ay General Atomics Aeronautical Systems at General Dynamics Land Systems.


Ayon sa pahayag ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang aksyon ng naturang dalawang kompanya ay malubhang nakakapinsala sa prinsipyong isang-Tsina at tadhana ng tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika, nakikialam sa suliraning panloob ng Tsina at nakakapinsala sa kabuuang soberanya at teritoryo ng Tsina.


Batay sa batas ng Tsina, ang mga hakbangin ng sangsyon ay kinabibilangan ng pagpapahinto o pagpapa-freeze ng lahat ng ari-arian ng naturang kompanya sa Tsina at pagbabawal ng pagbibigay ng visa o pagpasok ng mga mataas na tagapangasiwa ng kompanya sa Tsina.


Pormal na pinairal mula Abril 11, 2024 ang mga sangsyong ito.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil/Jade