De-kalidad na pagbubukas sa labas, itutuloy ng Tsina – premyer Tsino

2024-04-18 15:20:13  CMG
Share with:

 

Sa simposyum ng mga dayuhang mamimili ng Canton Fair, Abril 17, 2024,  lunsod Guangzhou sa dakong timog ng Tsina, ipinahayag ni Premyer Li Qiang ng bansa, na matatag at patuloy na palalawakin ng Tsina ang de-kalidad ng pagbubukas sa labas, at pasusulungin ang pagiging kombinyente at malaya ng kalakalan at pamumuhunan, para ipagkaloob ang mas malawak na pagkakataon sa mga bahay-kalakal ng iba’t-ibang bansa.

 

Aktuwal na pangangalagaan ang lehitimong kapakanan ng mga dayuhang bahay-kalakal at ipagkakaloob ang mas maginhawang serbisyo sa pamumuhay at pagtatrabaho ng mga dayhan sa Tsina, aniya.

 

Ipinahayag naman ng mga kinatawang dayuhan, na ang Canton Fair ay may mahalagang papel sa mapagkaibigang relasyon at kalakalan ng iba’t-ibang bansa at Tsina.

 

Sinabi nilang may kompiyansa sila sa prospek ng kabuhayan ng bansa, at nakahanda silang patuloy na palawakin ang negosyo sa Tsina.

 

Salin: Ernest

Pulido: Rhio