Ibinalik Miyerkules, Abril 17, 2024 ng Manhattan District Attorney's Office ng Amerika ang 38 relikyang kultural sa delegasyon ng National Cultural Heritage Administration ng Tsina.
Batay sa preliminaryong pagtasa, karamihan sa mga relikya ay may-kinalaman sa Tibetanong Budismo mula sa panahon ng dinastiyang Ming at Qing (1368-1911 AD), na kinabibilangan ng mga pagoda, istatuwang Buddha, Buddhist ornament at iba pa.
Matatandaang nilagdaan ng dalawang bansa ang isang memorandum of understanding (MoU) noong Enero 14, 2019, na naglalayong pigilan ang ilegal na pagluluwas ng mga relikyang kultural ng Tsina sa Amerika.
Hanggang sa kasalukuyan, 504 na relikyang kultural ng Tsina ang ibinalik na ng Amerika.
Nauna rito, dalawang beses na pinahaba ang bisa ng nasabing MoU noong 2014 at 2019.
Simula Enero 14, 2024, binigyan ito ng ika-3 palugit ng bisa.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Bukas at pragmatikong kooperasyon sa panig Amerikano, ipinanawagan ng Tsina
CMG Komentaryo: Amerika, inaasahang magiging responsable pagkatapos ng pagdalaw ni Yellen
Tsina at Amerika, kailangang maging katuwang, sa halip na magkalaban – premyer Tsino
CMG Komentaryo: Thucydides trap, bakit di-tiyak na mangyayari?