Kamakailan, ipinatalastas ng pamahalaang Amerikano ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa mga Electric Vehicles na yari ng Tsina, sa ngalan ng pagbabanta nito sa pambansang seguridad.
Noong Hulyo ng 2023, nagpadala ang 4 na congressman ng Amerika ng liham sa pamahalaang Amerikano na nagsasabing ang mga bahay-kalakal na kotse ng Tsina ay iligal na nag-iipon ng datos ng mga indibiduwal na Amerikano at ang Pony AI Inc. ay isa sa mga bahay-kalakal ng Tsina.
Sa katotohanan, ang Pony AI Inc. ay ipinagbabawal na patakbuhin sa Amerika noong Mayo ng 2022.
Ibig-sabihin, ang di-umano’y na pag-iipon ng bahay-kalakal ng Tsina sa datos ng indibiduwal na Amerikano ay peke.
Sapul noong Enero ng taong ito, pinapalaki ng Amerika ang saklaw ng konsepto ng Electric Vehicles para matugunan ang mas maraming bahay-kalakal ng Tsina, hindi lamang sa industriya ng Electric Vehicles, kundi maging sa mga may kinalamang industriya.
Ayon sa pananaliksik ni Propesor John Quelch ng Harvard University, ang mga Electric Vehicles na tatak Tsino ay bihirang makita sa merkado ng Amerika na.
Dahil sa mga sangsyon ng pamahalaang Amerikano, kakaunti lamang ang mga Electric Vehicles na iniluluwas ng Tsina sa Amerika.
Kaya masasabing ang pagtatampok ng mga politikong Amerikano sa isyu ng Electric Vehicles ng Tsina ay hindi para sa pambansang seguridad, kundi para mapigilan ang pagpasok ng mga ito sa pamilihang Amerikano.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil