Kaugnay ng magkasanib na ensasyong militar na “Balikatan” ng Amerika at Pilipinas sa South China Sea at intensyon ng panig Pilipino na imbitahan ang Hapon sa Balikatan sa susunod na taon, sinabi Abril 25, 2024 ni Tagapagsalita Wu Qian ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina na pangkalahatang katalinuhan ang kinakailangan upang resolbahin ang isyu ng South China Sea.
Aniya, ang pagpapapasok ng puwersang panlabas at walang direktang kaukulang panig ay magpapasalimuot lamang sa kalagayan.
Tinukoy ni Wu na laging iminumungkahi ng panig Tsino ang komon, komprehensibo, kooperatibo at sustenableng ideolohiyang panseguridad, at pananangan sa maayos na pagresolba sa mga alitan, sa pamamagitan ng diyalogo’t negosasyon sa pagitan ng mga bansa sa loob ng rehiyon.
Tinututulan aniya ng Tsina ang pakikialam ng mga puwersa sa labas ng rehiyon, pagyayabang ng lakas, probokasyon at panggugulo sa South China Sea, pagbuo ng alyansa at maliit na grupo, at pag-udyok ng komprontasyon.
Mahigpit na susubaybayan ng hukbong Tsino ang mga kaukulang aksyon, haharapin ang mga ito sa pamamagitan ng mabisang hakbangin, at hinding-hindi pahihintulutan ang panggugulo sa nasabing karagatan, diin pa niya.
Salin: Vera
Pulido: Rhio