Tsina sa kaukulang bansa: pagtantuan ang katotohanan at huwag ulitin ang parehong kamalian

2024-04-18 16:36:21  CMG
Share with:

Kaugnay ng isyu ng South China Sea (SCS), inihayag ngayong araw, Abril 18, 2024 ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina ang mariing pagtutol sa manipulasyon ng bloc politics ng kaukulang bansa, pagpukaw at pagpapasidhi ng kontradiksyon, at pagpinsala sa estratehikong seguridad at kapakanan ng ibang bansa.

 

Tinututulan din aniya ng Tsina ang pagbuo ng sarado’t nagtatanging alyansa sa rehiyong ito.

 

Hinding-hindi tatanggapin ng Tsina ang walang batayang pagbatikos at tikis na pagdungis ng kaukulang bansa sa isyu ng SCS, ani Lin.

 

Aniya, ilegal at walang bisa ang umano’y arbitral award sa SCS, at hindi ito tinatanggap at kinikilala ng Tsina.

 

Paliwanag pa niya, hindi sumali ang Tsina sa arbitrasyon, at higit sa lahat, hindi nito tinatanggap ang anumang posisyon at aksyon na nababatay sa nasabing arbitral award.

 

Tinukoy ni Lin na ang kaso ng arbitrasyon ng SCS at ilegal na arbitral award ay nakakapinsala sa kapakanan ng mga bansa sa rehiyon na kinabibilangan ng Pilipinas.

 

Hinding-hindi aniya mababago ng anumang propaganda ang esensya ng isyu ng SCS, at hinding-hindi rin mahahadlangan ng anumang manipulasyong pulitikal sa katuwiran ng batas ang matibay na determinasyon at mithiin ng Tsina sa pagtatanggol ng sariling soberanyang teritoryal at karapata’t kapakanang pandagat.

 

Walang kabuluhan ang ganitong mga tangka, dagdag niya.

 

Saad ni Lin, patuloy at matatag na ipagtatanggol ng Tsina ang sariling lehitimong karapata’t kapakanan, ayon sa mga demestiko’t pandaigdigang batas.

 

Hinimok din niya ang kaukulang bansa na pagtantuan ang katotohanan, at huwag ulitin ang parehong kamalian.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio