Mga pangulo ng Tsina at Tanzania, nagpalitan ng pagbati kaugnay ng ika-60 anibersaryo ng ugnayang diplomatiko

2024-04-26 16:25:38  CMG
Share with:

Nagpalitan Biyernes, Abril 26, 2024 ng mensaheng pambati sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Samia Suluhu Hassan ng Tanzania, kaugnay ng ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

 

Tinukoy ni Xi na nitong nakalipas na ilang taon, tuluy-tuloy na tumitibay ang pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang bansa, mabungang mabunga ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan, at nagsilbi itong modelo ng South-South Cooperation.

 

Kasama ni Pangulong Hassan, nakahanda si Pangulong Xi na ipagpatuloy ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Tanzania, gawing katotohanan ang komong hangarin ng dalawang bansa sa pag-unlad at pag-ahon at kanilang kooperasyon sa magkasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI), walang humpay na pasaganain ang mga nilalaman ng komprehensibo, estratehiko at kooperatibong partnership ng kapuwa panig, at bigyan ng mas malaking ambag ang pagtatatag ng mataas na lebel na komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Aprika.

 

Pinasalamatan naman ni Hassan ang ibinigay na suporta ng Tsina sa larangang pangkaunlaran.

 

Aniya, buong tatag na susuportahan ng kanyang bansa ang BRI, Global Development Initiative (GDI) at ibang mahahalagang inisyatiba, at palalakasin ang komprehensibo, estratehiko at kooperatibong partnership ng Tanzania at Tsina.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil