Pagpapabuti ng pandaigdigang kooperasyon, ipinanawagan ng WEF

2024-04-29 14:17:20  CMG
Share with:

Sa ilalim ng temang “Global Collaboration, Growth and Energy for Development,” binuksan, Abril 28, 2024 sa Riyadh ng Saudi Arabia ang espesyal na pulong ng World Economic Forum (WEF).

 

Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Borge Brende, Presidente ng WEF, na dahil sa maigting na kalagayan ng heopulitika at paglaki ng hidwaang pandaigdig, dapat pabutihin ang pandaigdigang kooperasyon at katugong diyalogo.

 

Aniya, ipinagkakaloob ng espesyal na pulong ng WEF ang plataporma sa mga lider ng iba’t-ibang larangan at rehiyon para talakayin at hanapin ang plano bilang tugon sa mga hamon.

 

Sa kanya namang talumpati, ipinanawagan ni Pangulong Mahmoud Abbas ng Palestina ang pulitikal na kalutasan sa sigalot ng Palestina at Israel sa pamamagitan ng pandaigdigang pulong.

 

Hiniling din niya ang pagkakaloob ng tulong sa Palestina.

 

Mahigit 220 panauhin mula sa mahigit 60 bansa at rehiyon ang dumalo sa naturang espesyal na pulong.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio