Kooperasyong panteknolohiya ng Tsina’t Pilipinas sa pagtatanim ng durian, inaasahang mapapasulong ng siyentistang Tsino

2024-04-29 17:40:49  CMG
Share with:


Noong Abril 2023, sinimulan na ng Pilipinas ang pagluluwas ng mga sariwang durian sa Tsina.

 

Sa panayam ng China Media Group – Filipino Service nitong Abril 24, 2024, kay Prof. Hefei Huang, Mananaliksik ng Hainan Seed Industry Laboratory ng Tsina, ibinahagi niya na noon pa man, kasama ng mga lokal na pamahalaan, umiiral na ang magandang kooperasyon ng Tsina sa Pilipinas.

 

Kabilang aniya dito ang pagpapalitan ng dalawang bansa ng ilang breeding resources, gayundin ang kolaborasyon ng mga siyentista para magbahagi ng kanilang mga kaalaman.

 

Ayon kay Prof. Huang, nag-i-imbita sila ng ilang siyentista mula sa Pilipinas para makapagtrabaho sa paglikha ng ilang technical programs para mas mapaganda ang kalidad ng kanilang tropical fruits gaya ng durian, lalo na sa Hainan province.

 

Kaugnay niyan, ipinahayag ni Prof. Huang na kailangang makipagtulungan sa mga bansa sa Asya na eksperto na sa pagpapalago ng durian.

 

“We need to cooperate with Asian countries because they grow durian for many many years. They have expertise, that experience and they know more about how to control the pest, to grow better and we need to import some resources,” saad ni Prof. Huang.

 

Ulat/Video: Mark Fetalco

Patnugot sa teksto: Jade

Patnugot sa video/website: Mark Fetalco/Kulas