PMI ng manupaktura ng Tsina noong Abril, umabot sa 50.4%

2024-04-30 15:05:26  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas ngayong araw, Abril 30, 2024 ng National Bureau of Statistics ng Tsina (NBS), ang Purchasing Managers’ Index (PMI) ng manupaktura ng Tsina sa kasalukuyang buwan ay umabot sa 50.4% na nasa saklaw ng pagpapalawak.

 

Ito ay nagpapakitang nananatiling bumabangon ang manupaktura ng Tsina.

 

Ayon sa isang opisyal ng NBS, sa kasalukuyang buwan, patuloy na bumilis ang produksyon ng mga bahay-kalakal ng Tsina at nananatiling lumalaki ang pangangailangan ng pamilihan ng manupaktura.

 

Habang ang bagong momentum ay patuloy na lumalawak ng mabilis, at magkahiwalay na umabot sa 51.3% at 53% ang PMI ng kagamitan ng manupaktura at PMI ng mga hi-tech na manupaktura.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil