Ika-135 Canton Fair, ipininid: 246 libong mamimiling dayuhan, lumahok

2024-05-06 15:58:52  CMG
Share with:

Nagtapos, Mayo 5, 2024 sa lunsod Guangzhou, lalawigang Guangdong ng Tsina, ang Ika-135 China Import and Export Fair, na kilala rin bilang Canton Fair.

 

Sapul nang buksan ang perya noong Abril 15, pisikal na nagpunta rito ang 246 libong mamimiling dayuhan mula sa 215 bansa’t rehiyon.

 

Ito ay mas mataas ng 24.5% kumpara noong nagdaang taon at pinakamataas sa kasaysayan.

 


Samantala, tinanggap ng kasalukuyang perya ang 160 milyong mamimili mula sa mga kasaling bansa’t rehiyon sa Belt and Road Initiative (BRI), at ito ay lumaki ng 25.1% kumpara sa nagdaang taon.

 

Sa usapin ng kita, $USD24.7 bilyon ang halaga ng offline export transaction, at mahigit $USD3 bilyon naman ang online export transaction.

 

Ang nasabing dalawang datos ay lumaki ng 10.7% at 33.1% kumpara sa nagdaang perya, ayon sa pagkakasunod.

 

Ayon sa salaysay, 680 kompanya mula sa 50 bansa’t rehiyon ang kalahok sa eksibisyon ng pag-aangkat, at 64% sa kanila ang mula sa mga bansa’t rehiyong kasali sa BRI.

 

Gaganapin sa Guangzhou sa tatlong yugto ang Ika-136 Canton Fair mula Oktubre 15 hanggang Nobyembre 4 ng kasalukuyang taon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio