Australya, dapat igalang ang soberanya at seguridad ng panig Tsino – Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina

2024-05-08 13:48:43  CMG
Share with:

Kaugnay ng pahayag ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Australya, Mayo 4, 2024, na pinaalis ng eroplanong pandigma ng Tsina ang isang helikopter ng tropang pandagat nito sa internasyonal na katubigan ng Yellow Sea, at ito ay isang mapanganib na insidente, sinabi, Mayo 7 ni Zhang Xiaogang, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na ang pahayag ng Australya ay walang katotohanan, at ito’y matatag na tinututulan ng panig Tsino.

 

Aniya, dapat aktuwal na igalang ng Australya ang pagkabahala ng panig Tsino sa pambansang seguridad at soberanya, itigil ang pagsasapubliko ng mga pekeng impormasyon, at kontrolin ang aksyon ng mga tropa nito sa pagsasagawa ng anumang mapanganib na hakbang.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio