Sa pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Serbiya noong nagdaang 8 taon, ipinasiya ng mga lider ng dalawang bansa na pataasin ang bilateral na relasyon sa antas ng komprehensibo’t estratehikong partnership.
Sa katatapos na dalaw-pang-estado ni Xi sa Serbiya, inanunsyo ng mga pangulo ng dalawang bansa ang pagpapalalim at pag-a-upgrade ng nasabing partnership, at pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Serbiya sa makabagong panahon.
Isang magkasanib na pahayag ang nilagdaan din ng kapuwa panig tungkol dito, upang gawin ang plano sa maraming larangan at lahat ng mga aspekto.
Kasama ng Tsina, ang Serbiya ay unang bansang Europeo na bumuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan.
Ipinakikita nitong ang relasyong Sino-Serbiyano ay may estratehiko, katangi-tangi, at mataas na lebel.
Sa kasalukuyan, puspusang pinapaunlad ng Tsina ang modernisasyong Tsino, at pinapasulong naman ng Serbiya ang planong “Leap into the Future - Serbia EXPO 2027.”
Napapanahon ang pagpapatalastas ng dalawang bansa ng pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan sa makabagong panahon.
Ipinahahayag nito ang komong ideya at hangarin ng kapuwa panig, bagay na nagpapahiwatig ng magkasamang paghahangad sa kaunlaran, win-win na kooperasyon, at tagumpay ng isa’t-isa.
Kaugnay ng pagbuo ng ganitong komunidad, ipinagdiinan ni Pangulong Xi na dapat ipauna ang estratehikong kahalagahan ng relasyon ng dalawang bansa, igiit ang pagiging pragmatiko ng kooperasyon, at palaganapin ang pagiging mapanlikha ng nasabing relasyon.
Ito ay nagbigay-patnubay sa pagpapataas ng “pagkakaibigang balot-sa-bakal” ng Tsina at Serbiya.
Tulad ng sabi ni Pangulong Aleksandar Vucic ng Serbiya, mahigpit ang pag-uugnayan ng kinabukasan ng Serbiya at Tsina.
Maaasahang isusulong ng “pagkakaibigang balot-sa-bakal” ng dalawang bansa ang makabagong kasiglahan sa makabagong panahon.
Salin: Vera
Pulido: Rhio