Xi Jinping, sinimulan ang dalaw pang-estado sa Hungary

2024-05-09 11:45:58  CMG
Share with:

Dumating Mayo 8 ng gabi, local time, sa Budapest, Hungary, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, para pasimulan ang dalaw pang-estado sa bansang ito.


In-escort ng mga eroplanong pandigma ng Hungary ang eroplano ni Xi, matapos itong pumasok sa himpapawid ng bansa.


Pagkaraang lumapag sa paliparan ng Budapest, sinalubong nina Punong Ministro Viktor Orban, asawa niya, Ministrong Panlabas Peter Szijjarto, at ibang mga mataas na opisyal ng Hungary, sina Xi at Unang Ginang Peng Liyuan.


Mainit din silang tinanggap ng mga lokal na mamamayan sa pamamagitan ng mga tradisyonal na paraan.


Sa kanyang nakasulat na talumpati sa paliparan, ipinahayag ni Xi ang kagalakan sa pagsasagawa ng dalaw pang-estado sa Hungary, sa paanyaya nina Pangulong Tamas Sulyok at Punong Ministro Orban.


Itinuturing ni Xi ang Tsina at Hungary na matalik na magkaibigan at magkatuwang na may malalim na pagtitiwalaan.


Aniya, nitong ilang taong nakalipas, madalas ang pagpapalagayan sa mataas na antas ng dalawang bansa, lumalakas ang kanilang pagtitiwalaan, mabunga ang kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative, masagana ang pagpapalitang kultural at tao-sa-tao, mahigpit ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, at lumikha ang dalawang bansa ng modelo para sa bagong tipong relasyong pandaigdig na nakatuon sa paggagalangan, pagkakapantay-pantay, katarungan, at win-win na kooperasyon.


Ipinahayag ni Xi ang pag-asang, sa pamamagitan ng kasalukuyang pagdalaw sa okasyon ng ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Hungary, gagawin niya at mga lider ng Hungary ang bagong blueprint ng bilateral na kooperasyon, para isulong sa mas mataas na antas ang relasyon ng dalawang bansa.


Nananalig aniya rin siyang, igigiit ng Tsina at Hungary ang pakikitungo sa kanilang relasyon sa pamamagitan ng malawakan at pangmalayuang pananaw, at magkasamang itatatag ng dalawang bansa ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, para magbigay ng ambag sa kapayapaan, katatagan, kaunlaran, at kasaganaan ng daigdig.